Arraignment ni VP Sara Duterte sa QC Hall of Justice, muling itinakda ngayong araw
Inaasahan muling haharap ngayong umaga si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 para sa arraignment sa tatlong counts ng grave threats.
Nakatakda ang arraignment alas-8:30 ng umaga ngayong Biyernes, October 9, sa Quezon City Hall of Justice.
Mahigpit naman ang seguridad sa paligid ng Hall of Justice ngayong umaga, kung saan naglagay ng mga barikada para makontrol ang dami ng tao.
Una nang ipinagpaliban ang arraignment noong Setyembre matapos maghain ng mosyon ang kampo ni Duterte.