Masayang ibinalita ng Department of Agriculture (DA) na nasa upward trend na ang produksiyon ng baboy sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni Agriculture Undersecretary Asis Perez na nakakabangon nang muli sa hagupit ng African Swine Fever (ASF) ang hog industry ng bansa.
Malaking tulong din dito ang pag-apruba sa commercial use ng ASF vaccine na lalo pang magpapataas sa upward trend ng pork production.
Sa kabila nito ay nais pa rin ng DA na magkaroon ng balanse sa produksiyon at presyo ng baboy dahil hindi naman dapat hayaang malugi ang mga pork producers dahil sa pagbagsak naman ng presyo ng baboy.
Kung hahayaan kasing bumagsak ang presyo ay hindi na rin maeengganyong pumasok sa pagba-baboy ang mga agri stakeholders na posibleng maging dahilan ng muling pagsirit ng presyo ng baboy.
Mula sa dating ₱400 plus per kilo ng baboy ay naglalaro na lang ito ngayon sa mahigit ₱300 hanggang ₱240 per kilo depende sa lugar.