Suplay ng manok sa Pilipinas, sapat sa gitna ng epekto ng El Niño
Nananatiling sapat ang suplay ng manok sa bansa sa kabila ng banta ng strong El Niño na posibleng tumagal hanggang sa susunod na taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maikokonsiderang ‘fairly healthy’ ang kasalukuyang stock ng manok na kayang magsuplay ng 125 days.
Batid ng kalihim na nakakaapekto ang mainit na panahon sa produskyon ng manok, subalit tuluy-tuloy naman aniya ang replenishment nito.
Maituturing naman aniyang safe kahit pa bumaba sa 70 hanggang 90 days ang chicken supply.
Samantala, maayos din ang suplay ng karneng baboy sa bansa na tatagal ng 170 days.