Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang karagdagang tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide sa Barangay Pulangbato, Cebu City, noong Biyernes.
Dalawang bata at isang senior citizen ang nasawi, habang isang 38-anyos na babae ang nailigtas at dinala sa ospital.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,umabot sa 57 pamilya ang inilikas, kabilang ang 25 pamilyang nananatili sa evacuation center.
Namahagi na ang DSWD ng mga tolda, malong at ready-to-eat food boxes, habang patuloy na tinatasa ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Nakahanda rin ang ahensya na magbigay ng karagdagang pinansyal na tulong at psychosocial support sa mga pamilyang nangangailangan.