Pabor ang Philippine Travel Agencies Association o PTAA sa panukalang magkaroon ng 15-taong bisa ang tourism slogan ng Pilipinas upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng bansa sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay PTAA President Jaison Yang, makatutulong ang pangmatagalang paggamit ng tourism slogan sa pagpapalakas ng pagkakakilanlan ng Pilipinas bilang isang destinasyon at sa pagkilala rito ng mga dayuhang turista.
Sa ilalim ng panukala, layong magkaroon ng mas tuloy-tuloy at pare-parehong promosyon ang bansa sa halip na madalas na magpalit ng tourism branding.
Nagpahayag din ng suporta si Tourism Secretary Dita Angara-Mathay sa pagtatakda ng mas mahabang panahon para sa paggamit ng tourism slogan.
Sa nakalipas na dalawang dekada, ilang beses nang nagpalit ng tourism slogan ang Pilipinas, kabilang ang WOW Philippines, Pilipinas Kay Ganda, It’s More Fun in the Philippines, Experience the Philippines, at ang kasalukuyang Love the Philippines, na inilunsad noong 2023.