Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity bunsod na rin sa epekto ng Very Strong El Niño sa bansa.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 107 na mga lokalidad ang nagdeklara ng State of Calamity.
Kabilang sa mga bagong naitala ang bayan ng Lope de Vega sa Northern Samar, na nagdeklara ng State of Calamity nitong October 7.
Sa kabuuan, 66 na lokalidad ang nagdeklara ng State of Calamity sa Region 2 o Cagayan Valley, 23 sa Region 13 o CARAGA, 12 sa Region 5 o Bicol Region, 4 sa CALABARZON habang tig-isa sa Region 8 o Eastern Visayas at Region 12 o SOCCSKSARGEN.
Samantala, umabot na sa 121,185 pamilya o 451,889 na indibidwal ang apektado ng El Niño sa 1,019 barangay sa bansa.