Naglabas ng Show Cause Order ng Land Transportation Office (LTO) sa isang konsehal sa Quezon City matapos umanong makitang nagroronda sakay ng three-wheel motorcycle nang walang suot na standard protective helmet.
Batay sa video na nakarating sa ahensya, kasama umano ang konsehal sa pagroronda ng ilang opisyal ng barangay nang mangyari ang insidente.
Sa direktiba ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, inatasan ang rehistradong may-ari at rider ng motorsiklo na humarap at magpaliwanag sa Intelligence and Investigation Division sa October 22, 2026.
Kaugnay nito, sinuspinde na ng 90-araw ang lisensya ng rider at inilagay na rin sa alarm status ang naturang three-wheel motorcycle.
Punto naman ni Asec. Lacanilao, kailangang sumunod sa mga patakaran sa kaligtasan ang lahat ng gumagamit ng kalsada, anuman ang kanilang posisyon o tungkulin sa komunidad.