Balik bansa na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang 5-day Working Visit nito sa Singapore.
Sa recorded arrival speech ng Pangulo ay inilahad nito ang kanyang mga naging aktibidad kabilang dito ang partisipasyon sa 24th Forbes Global CEO Conference kung saan ay ipinresenta nito sa halos 500 business leaders ang mga oportunidad sa pamumuhunan sa Pilipinas, partikular sa digital technology, artificial intelligence, manufacturing, imprastraktura, enerhiya, at healthcare.
Kasama din sa report ng Pangulo ang kanilang bilateral meeting ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong na dito naman ay napag-usapan ang tungkol sa chairship ng ASEAN na ililipat na sa Singapore sa susunod na buwan mula sa Pilipinas.
Binanggit din ng Presidente ang pagbisita nito sa Singapore Nuclear Research Institute at inalam kung paano ligtas at responsableng magagamit ang nuclear energy bilang isa sa mga opsiyon para sa pangmatagalang pangangailangan sa kuryente.
Inilahad din ng Pangulo ang meeting sa iba pang business leaders gaya ng FedEx, Mitsubishi Corporation, at Ayala Corporation kung saan ay tinalakay ang ninvestment expansion sa logistics, digital technology, enerhiya, at iba pang mahahalagang industriya sa bansa.
Tiwala ang Pangulo na sa interes ng mga negosyante ay magbubunga ito hindi lamang ng mataas na value ng investment kundi pati na ng partnership at mas maraming trabaho sa Pilipinas partikular na sa mga sektor na susuporta sa long term growth and transformation ng bansa.