Seryoso si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa usapin ng nuclear power.
Binigyang-diin ito ng Punong Ehekutibo sa harap ng nakikitang mas malaking demand sa kuryente bunsod ng inaasahang pagsusulputan ng data centers at Artificial Intelligence o AI.
Kung nais aniya nating maging bahagi ng value chain para sa AI at makasabay sa digital economy, dapat sabi ng Pangulo na matiyak na sapat ang enerhiya natin.
Bukod dito, sabi ng Pangulo ay malinaw ang naging karanasan ng bansa nitong pagputok ng giyera sa Middle East na kung saan ay nagkaroon ng problema sa oil supply at presyo nito habang hindi rin gumalaw ang 30% na production natin na galing sa local gas.
Kaya sabi ni Pangulong Marcos, isa ang nuclear power sa opsiyon ng bansa para gamiting source of energy.