Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masusi nang iniimbestigahan ang sinasabing pagpopondo ng China sa mga kumpanyang may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang malaman kung totoo o hindi ang nasabing impormasyon at ang unang hakbang na dapat madetermina dito ay kung may ebidensiya ba.
Sabi ng Chief Executive, kung hindi ito totoo ay walang problema pero kung mapapatunayang tama ang nasabing impormasyon ay dito masasabing may problema.
Sadyang nakakabahala aniya na may dawit ng salapi ng China sa nasabing isyu na kung saan ay may hagip na ayon sa Pangulo sa national security.
Maituturing aniya itong “threat at the highest level to the Republic”.