Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may sapat na suplay ng pagkain ang bansa sa gitna ng nakaambang epekto ng tagtuyot.
Sa Kapihan with Media, sinabi ng Pangulo na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili ang stable food supply gaya ng bigas, baboy, baka at manok.
Isa rin sa pinatitiyak ay ang suplay ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
Samantala ay nagsisimula na ding mapag-usapan ayon sa Pangulo ang pagsasagawa ng cloud seeding.
Aayusin aniya ang pagtatakda ng araw sa pagsasagawa nito habang paplanuhin na rin ang pagbili ng kailangang mga materyales ukol dito.