Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga micro taxpayer hinggil sa tamang pag-accomplish ng BIR Form 0605 para sa pagbabayad ng ₱5,000 One-Time Abatement Fee.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular Number 104-2026, kailangang gamitin ang tamang Alphanumeric Tax Code o ATC at Tax Type Code sa pagproseso ng naturang bayad.
Batay sa updated Offline eBIRForms Package Version 7.9.6.2, itinakda ang code na MC350 para sa mga indibidwal na micro taxpayer at MC351 para sa mga korporasyon.
Samantala, ang Tax Type Code na MA ang ginagamit para sa Micro Taxpayer Abatement.
Layunin ng gabay na matiyak ang wastong pag-accomplish ng payment form ng mga kwalipikadong taxpayer na sasailalim sa programa.
Pinapayuhan ang mga micro taxpayer na sundin ang itinakdang codes at tiyaking tama ang mga detalye sa BIR Form 0605 bago magbayad ng abatement fee.