Binigyang-diin ng ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagpapatuloy ang konsultasyon sa mga manggagawa at employer para sa posibleng dagdag-sahod sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, nagsagawa na ng mga public hearing at konsultasyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards o RTWPBs, kabilang ang CALABARZON kung saan pinakahuling nagpatupad ng wage hike.
Kasunod nito, nakatakda ring magsagawa ng konsultasyon sa Central Luzon, kabilang ang Pampanga, Bulacan, Clark, Subic, at Zambales.
Nilinaw naman ni Tolentino, na nakadepende sa magiging desisyon ng mga regional wage board ang halaga at iskedyul ng dagdag-sahod, na maaaring ipatupad nang isang bagsakan o paunti-unti.