Photo courtesy of DHSUD
Sumali na ang DMCI Homes sa Expanded 4PH Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, nilagdaan ng DMCI Homes at Pag-IBIG Fund ang isang kasunduan para sa partneship.
Sa ilalim ng kasunduan, mag-aalok ang DMCI Homes ng mga housing unit sa espesyal na presyo at iba pang insentibo para sa mga kwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG Fund.
Magbibigay naman ang Pag-IBIG Fund ng housing loan at loan counseling upang matulungan ang mga miyembro na makabili ng sariling bahay.
Ang DMCI Homes ang ikapitong developer na nakiisa sa Expanded 4PH Program, na naglalayong magbigay ng de-kalidad at abot-kayang pabahay sa mga Pilipino.