Photo courtesy of LTFRB
Pinasusumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa limang online shopping platform ang listahan ng kanilang mga accredited delivery service provider, sa gitna ng crackdown laban sa mga colorum na truck-for-hire.
Binigyan ng tatlong working days ang Lazada, Shopee, Zalora, TikTok Shop at SM Retail para magsumite ng kumpleto at updated na records.
Ayon kay LTFRB Acting Chairman Greg Pua Jr., layunin nitong matukoy ang mga delivery operator na may kaukulang permit at ang mga iligal na nagbibigay ng serbisyo.
Maaaring kumpiskahin ang mga sasakyang lumalabag sa regulasyon at patawan ng multang hanggang ₱200,000 kada unit. Bahagi ito ng pinaigting na operasyon ng LTFRB laban sa mga colorum delivery service sa buong bansa.