Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operators at drivers ng public utility vehicle (PUV) na dapat ay sumunod sila sa pagbibigay ng 20 percent na diskuwento sa pamasahe sa mga persons with disabilities (PWD).
Inaasahan kasi na marami ang uuwi sa kani-kanilang probinsiya para sa paggunita ng All Saint’s Day at All Soul’s Day sa Nobyembre 1 at 2.
Ang sinomang lalabag sa panuntunan ay papatawan ng P5,000 na multa para sa first offense at P10,000 naman at anim na buwang suspensiyon ng Certificate of Public Convenience (CPC) para sa second offense at kung umabot na sa ikatlong opensa ay tuluyan ng kakanselahin ang CPC ng mga lalabag.
Giit ni LTFRB Chairperson Greg Pua Jr na inaasahan nila na ang mga transport companies at operators ay sumunod sa ipinapatupad na ng batas na magbigay ng tulong sa mga sasakay na PWD.
Mayroon na ring silang pinatawan ng parusa dahil sa hindi pagsunod sa pagbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento.