Photo courtesy of Pag-IBIG Fund (HDMF)
Nasa 50 libong housing units ang iaalok ng Department of Human Settlements and Urban Development at Pag-IBIG Fund sa isasagawang ikalawang National Housing Expo 2026.
Gaganapin ang dalawang araw na expo sa SMX Convention Center sa Pasay City sa Oktubre 19 hanggang 20, na lalahukan ng mahigit 80 housing developers.
Layunin ng aktibidad na ilapit sa mga Pilipino ang mga oportunidad na magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng iba’t ibang housing project at financing options.
Maaari ring magpa-assess ang mga interesadong homebuyer sa Pag-IBIG Fund upang malaman ang kanilang kwalipikasyon at kakayahang umutang para sa pabahay.
Bahagi ang expo ng pagdiriwang ng National Shelter Month at pagsusulong ng Expanded 4PH Program ng administrasyong Marcos. Ayon sa DHSUD, libre ang pagpasok sa nasabing aktibidad.