Tinitiyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kalusugan at kaligtasan ng persons deprived of liberty (PDLS) sa harap ng inaasahang Super El Niño.
Bilang paghahanda sa matinding init, magsasagawa ang BJMP ng regular na heat index monitoring, pag-iikot para matiyak ang sapat na tubig at maayos na bentilasyon, at patuloy na pagsusuri sa kalusugan ng mga PDL.
Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa iba’t ibang tanggapan upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa mga pasilidad ng piitan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layunin ng BJMP na maiwasan ang mga sakit na dulot ng matinding init at mapangalagaan ang kapakanan ng mga PDL at mga tauhan nito.