Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Kabuuang 1,131 bus units ang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa special permits ngayong Undas.
Sa mga aprubadong bus, 402 ang para sa Northern Luzon, 290 sa Central Luzon, 185 sa Southern Luzon, at 61 sa Bicol.
Mayroon ding 19 bus para sa Eastern Visayas, 13 para sa Western Visayas, at 10 para sa Mindanao. Samantala, 28 aplikasyon na sumasaklaw sa karagdagang 90 bus ang sinusuri pa.
Tiniyak ng LTFRB na mahigpit na susuriin ang mga bus upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.