Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Hahabulin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga colorum o ilegal na delivery service at truck-for-hire na walang kaukulang permit.
Ayon kay LTFRB Acting Chairperson Atty. Greg Pua Jr., titiyakin ng ahensya na matibay ang mga kasong isasampa laban sa mga lalabag.
Ang mga nakumpiskang colorum na sasakyan ay maaari lamang ma-release sa pamamagitan ng utos ng korte, kahit nabayaran na ang multa.
Nagkakahalaga ng ₱200,000 ang multa sa bawat sasakyan, habang maaari namang makulong nang hanggang 12 taon ang mga operator at driver.
Nakatakdang magsagawa ang LTFRB ng malawakang operasyon laban sa mga ilegal na delivery service na konektado sa mga online shopping platform gaya ng Lazada at Shopee.