Nagbabala si Senador Jinggoy Estarad laban sa pagdedeklara kay Chinese Ambassador Jing Quan bilang “persona non grata” at nanawagang maging maingat sa pagtugon sa isyu.
Ayon sa senador, nauunawaan niya ang panawagang ideklarang “persona non grata” ang Chinese ambassador pero hindi aniya makabubuti ang padalos-dalos na hakbang na maaaring magsara sa mga pagkakataon para sa dayalogo.
Giit ni Estrada, dapat mariing iprotesta ng Pilipinas ang naging pahayag ni Jing at igiit ang paggalang sa bansa habang nananatiling bukas sa diplomasya.
Dapat aniyang batay ang paninindigan ng Pilipinas sa batas, facts at karapatan natin, partikular ang 2016 Arbitral Award na nagsisilbing pundasyon ng posisyon ng bansa sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin niyang kung tunay na hangad ng Beijing ang kapayapaan ay dapat nitong igalang ang naturang arbitral award.
Nanawagan din si Estrada sa lahat ng panig na pairalin ang pagiging mahinahon, ang paggalang sa isa’t isa, diplomasya at rule of law sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.