Opisyal nang inilunsad ng Korte Suprema ngayong October 19, 2026 ang eNotarization o online na pagpapa-notaryo ng mga dokumento upang gawing mas madali at accessible ang proseso.
Ayon sa Supreme Court, maaaring magamit ang serbisyo sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa unang batch ng SC-accredited Electronic Notarization Facilities na makikita sa kanilang opisyal na website.
Naroon din ang listahan ng mga mapagpipiliang Electronic Notary Public.
Ayon pa sa Korte Suprema, mahalagang hakbang ito sa digital transformation ng mga serbisyong notarial.
Tiniyak naman ng SC na kapareho ang legal na bisa at epekto ng mga dokumentong sumailalim sa eNotarization sa mga dokumentong na-notaryo sa ilalim ng 2004 Notarial Rules.