Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 26,000 pulis para sa Undas 2026.
Layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita sa mga sementeryo, memorial park, at columbarium sa buong Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano, naka-full alert na ang kanilang hanay.
Matagal na rin aniya itong pinaghahandaan, at may template na sila para sa security operations tuwing malalaking okasyon.
Handa na rin aniya ang mga plano ng kanilang mga district director at station commander.
Bahagi rin ng deployment ang paghahanda para sa ika-49 na ASEAN Summit and Related Summits na gaganapin sa Metro Manila mula November 16 hanggang 18.