Wala pang Pilipinong nasaktan o naaresto sa patuloy na protesta sa France.
Ito ang pinagbigay alam ni Philippine Ambassador to France, His Excellency, Ambassador Eduardo De Vega sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Ambassador De Vega susunod ang Filipino Community sa mga abiso ng mga awtoridad sa France lalo na sa hindi pag-sama sa kilos protesta at pag-iwas sa mga lugar na may kaguluhan.
Handa din aniya ang Embahada na mag paabot ng tulong sa ating mga Pilipino sa nasabing bansa sakaling lumala ang sitwasyon at humiling ang mga ito ng repatriation pabalik ng Pilipinas.
Inanunsyo din ni Ambassador De Vega ang Assistance-to-Nationals at Consular Service Hotlines ng Embahada upang tumangap ng mga katanungan at assistance mula sa mga Pilipino sa France maging sa kanilang mga kamag-anakan sa Pilipinas.