Biniling ni House Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima na seryosong ikonsidera ng ehekutibo ang pagdedeklarang persona non grata kay Chinese Ambassador Jing Quan kung hindi nito babawiin ang mga binitiwang pahayag laban sa Pilipinas at hihingi ng paumanhin.
Ayon kay De Lima, may sapat na batayan upang isaalang-alang ang hakbang kung hindi magbabago ang asal ng ambassador at magpapatuloy ang mga mapanindak at hostile na pahayag nito laban sa bansa.
Binigyang-diin ng mambabatas na panauhin lamang ang Chinese ambassador sa Pilipinas kaya dapat itong umasal nang naaayon sa kaniyang katayuan bilang kinatawan ng ibang bansa.
Kinuwestiyon din ni De Lima ang pagbaligtad umano ng naratibo laban sa Pilipinas, gayong aniya, ang China ang patuloy na nagbabanta sa bansa.
Iginiit din ni De Lima na ang China ang hindi kumikilala sa pasya ng arbitral tribunal na nagbasura sa legal na batayan ng malawak nitong pag-aangkin sa South China Sea.
Mahalaga rin aniya na magkaroon ng kolektibong tindig ang Kamara at ipakita ang pagkakaisa at mariing kondenahin ang mga pahayag at kilos ng mga opisyal ng Chinese Embassy.