Binigyan ng marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Vice Admiral Rommel Supangan.
Ayon kay Supangan, isa sa mga pangunahin sa bilihin ng pangulo ay tutukan ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Dapat aniyang maipagpatuloy ang pagprotekta sa karapatan at interest ng bansa sa maritime territory nito.
Bilin din ng pangulo na kailangang masiguro na mapangalagaan ang mga mangingisda na naghahanap-buhay sa mga karagatan.
Nais aniya ng pangulo na matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipinong mangingisda sa lahat ng pagkakataon.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na patuloy na magdi-deploy ang PCG ng mga barko at mga tauhan lalo na sa WPS para sa patuloy na paggampan ng kanilang misyon. | ulat ni Racquel Bayan