Photo courtesy of DOF
Target ngayon ng Department of Finance (DOF) na maibaba sa 2% ang singil o remittance fee ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, kasalukuyang nasa 6.3% ang average na bayad sa padala ayon sa World Bank.
Aniya, nais nilang pababain ito upang mas malaking bahagi ng pinagpaguran ng ating mga kababayan ang direktang mapunta sa kanilang pamilya.
Kamakailan nakipagpulong si Go sa Swift at Revolut – mga international payment firms sa 2026 IMF-World Bank Annual Meetings in Bangkok, Thailand, upang talakayin ang mas mabilis, mas mura, at mas transparent na paraan ng pagpapadala ng pera sa Pilipinas.
Giit ng kalihim, nararapat na tulungan ang mga kababayan abroad para makakuha ng patas na transfer fees.