Iginiit ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na dapat pa ring ibigay ang 20% discountat VAT exemption sa mga lolo at lola, kahit pa may umiiral na promo o sale ang isang establisimyento.
Paliwanag ni Ordanes, ang mga promo sale ay para sa pangkalahatang publiko. Kaya naman, hindi umano ito dapat gawing dahilan ng mga negosyo upang ipagkait ang benepisyong itinakda ng batas para sa mga nakatatanda.
Dahil dito, inihain ng mambabatas ang House Bill No. 428 upang masigurong magagamit pa rin ng mga senior citizens at PWDs ang kanilang statutory discount at VAT exemption kasabay ng iba pang mga promotional offer.
Hinimok din ng mambabatas ang Korte Suprema na magbigay ng malinaw na paliwanag sa usaping ito upang maiwasan ang maling interpretasyon ng mga negosyo.