Photo courtesy of Philippine National Police (PNP)
Inatasan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng yunit nito na maghanda sa posibleng epekto sa bansa ng binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ito’y makaraang i-ulat ng PAGASA ang inaasahang pagpasok ng naturang sama ng panahon sa PAR bukas at papangalanang Rosal.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., partikular sa mga pinaghahanda ang mga pulis sa Hilagang Luzon at Bicol dahil sa ito ang inaasahang makatitikim ng mga pag-ulang dala ng bagyo.
Mahigpit na naka-antabay ang PNP gayundin ang mga kagamitan nito para sa anumang emergency response sakaling kailanganin.