Nasa 299 OFWs mula Saudi Arabia ang inaasahang uuwi sa Pilipinas mula October 19 hanggang 25.
Inasikaso ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang repatriation ng 299 OFWs na apektado ang flight sa Riyadh.
Habang naghihintay ng kanilang biyahe pauwi, binigyan ang mga Pilipino ng pagkain, pansamantalang tirahan, transportasyon, tulong pinansyal at serbisyong medikal at psychological.
Ngayong Lunes inaasahang darating sa Pilipinas ang unang batch ng 34 OFWs habang ngayong araw din aalis ng Saudi Arabia patungong Maynila ang 50 iba pa.
Samantala, inaasikaso rin ang biyahe ng mahigit 100 OFWs sa pamamagitan ng ruta mula Hail, Al Qassim, at Dammam.
Bahagi sila ng 400 OFWs na tinutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).