Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa inaasahang epekto ng Super Typhoon na may international name na Champi oras na maramdaman ito sa bansa.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sapat ang family food packs na naka-preposition sa buong bansa, na aabot na sa 4.5 million ang bilang.
Bukod pa rito ang 345,426 na non-food items at 204,695 na kahon ng ready-to-eat food na handa ring ipamahagi sa mga maaapektuhan ng masamang panahon.
Handa na rin sa pagtugon ang lahat ng field offices ng DSWD sa buong bansa upang umalalay sa mga evacuation center, partikular na sa camp management.
Tiniyak din ng DSWD na sakaling kulangin ang suplay ng family food packs sa mga matatamaang lugar, handa itong magdagdag ng suplay upang hindi maputol ang serbisyo at tulong ng pamahalaan.
