Pamumunuan ng Pilipinas ang kaunaunahan ag makasaysayang ASEAN Sovereign Wealth Fund Forum sa November.
Ang nasabing high-level forum ay magsisilbing highlight sa gaganaping Asian Investment Forum (AIF).
Layunin nitong tipunin ang mga lider sa rehiyon, gayundin ang mga policymakers at investors upang makalikom ng kapital para sa napapanatiling paglago ng ekonomiya (Sustainable Economic Growth).
Ang kaganapan ay itinataguyod ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UN ESCAP) sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI), Board of Investments (BOI), at ng Maharlika Investment Corporation (MIC).
Isa sa mga pangunahing tampok ng programa ay ang plenary session na may pamagat na “Seeds for the Future: ASEAN Sovereign Wealth Fund Forum” kung saan pangungunahan ng Maharlika Investment Corporation
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mga priority economic deliverable ng Pilipinas bilang ASEAN Chair, partikular na ang pagpapatupad ng Regional Investment Promotion Action Plan (RIPAP) 2025–2030. | ulat ni Melany Reyes