Kinuwestiyon ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang pinalalabas na simpleng pamumuhay ng pamilya Duterte, kasunod ng mga ulat hinggil sa mga umano’y mararangyang mansiyon at malalaking gastusin na iniuugnay sa kanila.
Sa isang press briefing, hayagang tinutulan ni Luistro ang paratang na simpleng pamilya lamang ang mga Duterte.
Aniya, ang impression na ipinalalabas nila ay simpleng pamilya pero base sa report ng National Bureau of Investigation (NBI) may mansion silang ariaarian sa Davao City na may swimming pool at helipad.
Ayon sa mambabatas, kontra ito sa pampublikong imahe ng pamilya na kilala sa pagiging abot-kaya at tila mapagkumbabang pamumuhay.
Bukod dito, binanggit din ni Luistro ang idineklarang interes ng Bise Presidente sa GenCorp Industries Inc., isang kumpanyang naiuugnay sa limang sangay ng Jollibee sa Davao City.
Dahil dito, hinimok ni Luistro ang NBI na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nagmamay-ari ng mga nasabing ari-arian at ang konteksto sa likod ng malalaking transaksiyong pinansyal.