Walang paglabag ang Marcos administration sa paggastos ng 2024 at 2025 national budget, lalo’t lahat ng ginagawa ng pamahalaan ay naaayon sa itinatakda ng batas.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, iginagalang ng Malacañang ang pasya ng Supreme Court nang ideklara nitong unconstitutional ang unprogrammed appropriations ng 2024, 2025, at ilang probisyon sa 2026 national budget.
Gayunpaman, hindi aniya sang-ayon ang Palasyo sa ilang bahagi ng ruling ng SC.
Partikular na binanggit ni Castro ang inilatag na kondisyon ng SC, na dapat malampasan muna ang kabuuuang koleksyon sa kabuang revenue target bago magamit ang unprogrammed appropriation.
Aniya, tahasan nitong binabago ang mga kondisyong itinakda ng Kongreso, na siyang sangay ng pamahalan na naatasan bumalangkas ng taunang pambansang budget.
Sabi ni Castro, simula 2015, pinayagan ng Kongreso ang paglalabas ng pondo, sa oras na lumampas na sa target ang koleksyon, mula sa kahit isang non-tax revenue source, alinsunod sa iba pang kondisyon ng batas.
Sinunod lamang aniya ng Marcos administration ang patakarang ito.
Dahil dito, umaapela ang Palasyo sa Korte Suprema na suriing muli ang kanilang desisyon.
Ang Office of the Solicitor General (OSG) ay inatasan nang maghain ng motion for reconsideration para dito.