Magtitipon-tipon ngayong araw sa Quezon City ang youth leaders, policymakers, experts, at iba pang kinatawan para sa pagsisimula ng ASEAN Youth Conference (AYC) 2026.
Gaganapin ang naturang forum sa QC MICE Center, bitbit ang temang “ASEAN for the People: Navigating Our Inclusive, Resilient, Participative Future Together.”
Sentro nito ang talakayan sa kinabukasan ng ASEAN at ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad, inclusive development, at serbisyong nakasentro sa mamamayan.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo at tagapagsalita sina QC Mayor Ma. Josefina “Joy” Belmonte, ASEAN Youth Organization founder Senjaya Mulia, at mga kinatawan mula sa Department of Information and Communications Technology, Department of Education, Department of Social Welfare and Development, at Commission on Higher Education.
Kasama rin sa mga talakayan ang ASEAN Youth Work Plan, karapatang-pantao sa digital spaces, pagpapalawak ng oportunidad para sa kabataan, at pagbuo ng isang participative na digital community.