Hihingi ng paglilinaw at pagrepaso ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court (SC) sa ilang bahagi ng naging pasiya nito patungkol sa ginamit na unprogrammed appropriations mula 2024 ng Ehekutibo.
Humarap sa pulong Balitaan sa Palasyo si OSG Darlene Marie Berberabe, sinabi niyang kukunin nila sa SC ang paglilinaw sa limitasyon o guard rails na itinakda ng hukuman para sa paggamit ng kapangyarihan sa budget.
Pagbibigay diin ni Berberabe, importante ang guard rails sa aspeto ng transparency at accountability at maingat na paggamit sa public funds.
Nais aniya nila ipadetermina at linawin sa Korte Suprema kung alin sa guard rails o limitasyon ang pinapahintulutan ng Konstitusyon at alin ang dapat na ipaubaya sa Kongreso at Ehekutibo.
Sabi ni Berberabe, maingat na pinag-aaralan ng kanilang tanggapan ang naging pagpapasiya ng Supreme Court para sa gagawin nilang hakbang.
Ang nais aniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mabigyang linaw ang ibang aspeto ng desisyon ng SC at gawin ang mga dapat na i-reconsider.