Photo courtesy of Presidential Communications Office
Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government unit (LGU) na ipagpatuloy ang pagsusulong ng innovative solutions at palaguin pa ang mga nagtagumpay na programang nagpapaigting sa mga komunidad.
“We must continue to encourage new ideas and build on the solutions that have already been made and that now feeling the difference in our communities,” — Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, dapat na magtulungan ang lahat upang masiguro na ang progresong tinatamasa na ng bansa sa kasalukuyan, ay magsisilbing pundasyon para sa mas marami pang tagumpay sa hinaharap.
“Let us ensure that the progress we achieve today becomes the foundation for even greater accomplishments.” -Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, kinilala sa 2026 Galing Pook awards sa Malacañang ang 10 natatanging programa ng LGUs sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Partikular mula sa Bataan, Valenzuela City, Surigao del Norte, Iloilo City, Quezon City, Davao del Norte, City of Malolos, Lanao del Sur, Baguio City, and Oriental Mindoro.
1) Bataan E-Mobility, Bataan;
2) Building Spaces in a Spaceless City, Valenzuela City;
3) Del Carmen Farm-to-Spoon, Del Carmen, Surigao del Norte;
4) Iloilo City Action and Resilience (ICARe) Center: Decentralizing Risk Governance, Iloilo City.
5) KABAHAGI: QC’s Family-Governed Care for Children with Disabilities, Quezon City;
6) Kawsa sa Agrikultura ug Panginabuhian sa Barangay (KAAGAPAY), Davao del Norte province;
7) North Manila Bay Nature-based Solutions Pilot Project: Community-led Coastal Resilience through Building with Nature ng Barangay Pamarawan, Malolos City, Bulacan.
8) One Name, One Identity: Walang Maiiwan Pagayawan ng Pagayawan, Lanao del Sur;
9) Project Denguerra – War on Dengue ng Baguio City; at
10) Zero Illiteracy and Innumeracy Program for Mangyans (ZIP) ng Oriental Mindoro.
Sabi ng pangulo, ang parangal na ito ay kumikilala sa dedikasyon ng mga LGU na tumugon sa mga hamon, at maghanap ng mga makabuluhang pamamaraan, upang mapaigting ang buhay ng kanilang mga nasasakupan.
Ang mga pagkilalang ito ay kalakip ng plaque of recognition, trophy para sa Risk to Resilience Governance special citation recipients, Galing Pook markers, at ₱300,000 cash prizes.