Nagbunga na ang mga isinagawang pagbabago ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Calumpit, Bulacan na isa sa mga binisita noon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa matinding pagbaha sa lugar.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, lahat ng sangkot sa ma-anomalyang flood control project sa Calumpit at naipakulong na ng pamahalaan at tanging si dating Rep. Zaldy Co na lang ang hindi nakakalaboso.
Mula sa dating kapantay ng flood wall ng Calumpit ay naitaas na ito kung saan kahit high tide ay may two meters pa rin na taas ang river wall upang protektahan ang mga komunidad.
Kapansin-pansin din na hindi naman ganoon kalaki ang ginastos ng pamahalaan upang maisagawa ito na senyales na garapalan talaga ang ginawang pangungurakot at pandaraya ng mga contractor, opisyal ng DPWH, at iba pang sangkot sa mga maanomalyang flood control project.
Inaasahang matatapos ang nasabing proyekto sa unang quarter ng 2027 at titiyaking masasarahan ang lahat ng gaps upang hindi na maulit pa ang pagbaha.