Aabot sa ₱678 milyong donasyon ang tinanggap ng Philippine National Police (PNP) mula sa Newport World Resorts Foundation Incorporated.
Ito’y para sa pagpapatayo sa proposed office building sa Kampo Crame na nagkakahalaga ng ₱299 milyong gayundin ang Lakan Leadership Hall sa PNP Academy sa Silang, Cavite na nagkakahalaga ng ₱379 milyong.
Pinangunahan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) President at CEO Alejandro Tengco ang paglagda ng Memorandum of Agreement at groundbreaking sa PNPA, kasama si Deputy Chief PNP for Administration, Police Lieutenant General Wilson Lopez.
Ayon sa PAGCOR, kanilang inaatasan ang kanilag mga license gaming operator na maglaan ng kanilang kita para sa socio-civic programs upang makatulong sa papapatatag ng mga pampublikong institusyon.