Photo courtesy of Philippine National Police (PNP)
Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police (PNP), ang recalibration ng mga estratehiya sa intelligence at surveillance upang matukoy at buwagin ang operasyon ng mga maliliit na micro-scam hub.
Ito’y kasunod ng mga ulat na lumilipat sa mga inuupahang bahay sa Metro Manila ang mga illegal offshore gaming operator upang makaiwas sa mga awtoridad.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., puspusan ang kanilang paggalugad sa mga mala-POGO na operasyon salig na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr
Una nang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na mayroong tatlong mirco scam hub sa Metro Manila silang minamanmanan na nagtatago sa mga maliliit na apartment o paupahang kwarto na naglalaman ng 10 hanggang 20 katao.
Kasunod naman ng mga ulat na may ilang pulis at sundalo na ginagamit bilang security ng mga nasa likod ng micro-scam hub, may babala si Nartatez na hindi sila malililigtas sa pananagutan ng batas.