Mahigpit ang paalala ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-iingat sa paggamit ng mga kandila at ilawang gasera sa mga lugar na apektado ng bagyo at mawawalan ng kuryente.
Sa panayam ng PTV kay BFP Spokesperson Fire Superintendent Anthony Arroyo, kadalasan kasing ang naiiwang kandila o ilawang gasera na pinagagana ng gaas ang nagiging sanhi pa ng sunog na iniiwasan lalo na kung sinalanta na ng bagyo ang isang lugar.
Makabubuti na ilagay sa lugar na hindi madaling masunog ang kandila o gasera o di kaya ay ipatong ito sa lugar na may tubig.
Mahalaga kasi na hindi ito maiwan at mabantayang mabuti.
Gayundin posible ring pagmulan ng apoy ang mga naiiwang lutuin na isa rin sa mga source of light ng ilang kabahayang nakararanas ng power outage.