Screenshot
Muling itataas ang RED at YELLOW Alert status sa Visayas Grid ngayong araw batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa abiso, iiral ang RED Alert status sa Visayas Grid mula mamayang alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Pero bago iyan, itataas ang YELLOW Alert status mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at masusundan naman ng alas-6 hanggang alas-8 ng gabi.
Walong planta ang bagsak habang nasa 19 na planta ang bagaman gumagana pero nasa derated o kulang na kapasidad.
Samantala, itataas din ang YELLOW Alert status sa Mindanao Grid mula alas-5 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi mamaya.
Nabatid na 11 planta ang bagsak habang tatlong planta naman ang bagaman gumagana subalit kapos pa rin sa suplay.
Itinataas ang RED at YELLOW Alert kapag hindi naaabot ng operating margin ang contingency requirement ng transmission grid.
