Sinusuportahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panukalang magdeklara ng State of Calamity dahil sa “very strong” El Niño.
Layunin nitong matiyak ang sapat na pondo at iba pang resources ng gobyerno upang agad na matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay Laurel, makatutulong din ang deklarasyon upang matugunan ang pagkalugi sa sektor ng agrikultura at maprotektahan ang suplay ng pagkain.
Binigyang-diin ng kalihim na hindi na dapat hintayin pang lumala ang pinsala sa agrikultura bago kumilos ang pamahalaan.