Simula sa October 29, paiigtingin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Oplan Biyaheng Ayos para sa Undas 2026 na tatagal hanggang November 3.
Layon nitong matiyak ang ligtas at maayos na operasyon ng mga terminal ng bus sa Metro Manila.
Ayon kay Acting LTFRB Chair Greg Pua Jr., kabilang sa mga hakbang ang pagtatayo ng Help Desk, pag-iinspeksyon sa mga terminal, at pagsasagawa ng roving operations.
Layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga commuter at matiyak ang ligtas at komportableng biyahe sa Undas.