Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsusuri sa epekto ng panukalang itaas sa 57 taon ang mandatory retirement age sa hanay ng Pambansang Pulisya mula sa kasalukuyang 56 taong gulang.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit nilang binabalanse ang mga maiiwang eksperyensyadong opisyal habang pinoprotektahan naman ang career advancement ng mga batang opisyal.
Iginaglang nila ang magiging pasya ng mga mambabatas kaugnay ng maingat nilang pagtingin sa mungkahi at tingnan kung ano ang mas makabubuti para sa buong hanay ng Pulisya.
Magugunitang tinalakay ang nasabing panukala sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong isang linggo.
Layon nitong ihanay ang patakaran sa pagreretiro sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na ang compulsory retirement age ay 57 taong gulang.
Gayunpaman, nagdulot ito ng mga pangamba sa pensyon, promosyon sa mga batang opisyal at ang tinatawag na revolving door sa liderato nito.