Nakatakdang makipag-usap si Energy Secretary Sharon Garin kay Energy Regulatory Commission Chair at CEO Francis Saturnino Juan upang i-delay ang posibleng pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa pagbaba ng piso kontra dolyar.
Sa isang panayam kay Garin may epekto kasi sa presyo ng per kilowatt hour ng kuryente ang pagbaba ng halaga ng piso.
Nag-iimport kasi ang Pilipinas ng coal, langis at liquefied natural gas na ginagamit sa kuryente kaya maapektuhan ang singil sa mga consumer.
Pero upang hindi ito agad na makaapekto sa mga consumer ay pag-uusapan nila ng ERC kung papaano ito sosolusyonan.
Patuloy din namang mino-monitor ang epekto naman ng pagbaba ng piso sa presyo ng mga produktong petrolyo. Kakausapin din ng DOE ang local fuel retailers na kung umakyat muli ang presyo ng langis ay kung maari magpatupad ng staggered o utay utay na taas-presyo.