Maituturing na treasure o yaman din ng bansa ang mga kawani ng pamahalaan na kabalikat ng gobyerno sa pagsusulong ng mga proyekto at mga programa para sa mga Pilipino.
Pahayag ito ni Communications Undersecretary Claire Castro, makaraan siyang tawaging yaman ng bagong liderato ng Presidential Communications Office (PCO).
Ayon kay Castro, nakakataba ng puso ang ganitong pagturing.
Gayunpaman, marami rin aniyang mga kawani ng gobyerno na hindi humaharap sa camera, ngunit gumagampan ng kanilang mandato, hindi para sa pansariling interest bagkus para sa bayan.
Aniya, yaman din ang mga public servant na patuloy na nagtatanggol at nagmamahal sa bansa.