Abiso sa mga nagbabalak na mag-book ng kanilang mga flight sa November 1 hanggang 15, posibleng tumaas ang presyo ng pamasahe sa eroplano dahil sa pagtaas muli ng fuel surcharge.
Batay sa abiso ng Civil Aeronautics Board mula Level 16, tataas sa Level 17 ang fuel surcharge sa unang kalahating buwan ng Nobyembre.
Dahil dito, maaaring magkaroon ng dagdag-singil ang mga airline ng ₱559 hanggang ₱1635 para sa domestic flights at ₱1,846.10 hanggang ₱13,726.58 naman para sa international flights.
Para naman sa cargo maaaring maningil ang airlines ng ₱2.87 hanggang 8.40 per kilogram para sa domestic flight at ₱9.49 hanggang ₱70.57 per kilogram sa international flights.
Ayon naman sa CAB para sa mga airline na nais maningil ng fuel surcharge ay dapat magsumite ng aplikasyon sa kanilang tanggapan bago o sa mismong November 1.