May bagong paraan ang Light Rail Manila Corporation para makaiwas sa traffic at maging kumbinyente ang byahe ng mga komyuter ng LRT-1 na papunta at pabalik ng probinsya.
Ito ay ang pagbubukas ng LRMC ng bagong 24/7 paid parking facility sa LRT-1 Dr. Santos Station sa Parañaque City.
Ayon sa LRMC, layunin ng proyektong ito sa ilalim ng ‘Park and Ride’ initiative ng Department of Transportation na tulungan ang mga biyahero mula sa timog ng Metro Manila at kalapit-probinsya na maiwan nang ligtas ang kanilang mga sasakyan at makaiwas sa trapik sa pamamagitan ng pagsakay sa tren.
Kaya ng bagong parking area ang 93 kotse at SUV, at 100 motorsiklo.
Ayon naman sa LRMC, libre ang pag-park sa pasilidad para sa mga Persons with Disabilities (PWD) at Senior Citizens bastat magpakita lamang ng lehitimong ID.