Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng National Correctional Consciousness week at pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na nakatapos na ng kanilang sentensiya.
Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo ay inihayag nitong batid ng pamahalaan ang problema na kinakaharap ng mga PDL gaya ng masikip na mga piitan gayundin ang mabagal na pag- usad ng kaso.
Nandyan din sabi ng Pangulo ang kawalang access ng mga kinauukulan sa legal assistance.
Dagdag ng Pangulo, na mayruon ding mga persons deprived of liberty na nananatili pa ring nakakulong kahit napagsilbihan o natapos na ang kanilang sentensiya.
Kaya direktiba ng Chief Executive sa Department of Justice (DOJ), resolbahin ang naturang mga problema at ayusin ang correctional system